-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Rain or Shine Elasto Painters ang Converge FiberXers 110-90 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.
Sa nasabing laro ay nagtala si Beau Belga ng kasaysayan ng koponan.
Mayroon siya kasing 25 points, 12 rebounds at 10 assists na unang triple-double hindi lamang sa kaniyang career pati na rin bilang local player sa kasaysayan ng koponan.
Pinuri naman ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang ginawang pagsisikap ni Belga.
Nag-ambag naman ng 23 points at 11 rebounds si Santi Santillan habang mayroong 15 points at 13 assists si Andrei Caracut.