-- Advertisements --
Naka-high alert ngayon ang Belarus matapos ang pagbagsak ng apat na military aircraft ng Russia.
PInabagsak ng Ukraine ang nasabing mga eroplano sa borders ng Ukraine at Belarus.
Ayon kay Belarusian President Alexander Lukashenko na bilang hakbang ay kaniyang inalerto ang kanilang sundalo.
Unang itinanggi ng Russia na pinabagsak ng Ukraine ang kanilang eroplano at ito umano ay aksidenteng bumagsak.
Magugunitang pinaigting ng Ukraine ang kanilang opensiba laban sa puwersa ng Russia.