-- Advertisements --
Dumistansiya ang Belarus sa patuloy na labanan sa Ukraine at Russia.
Sinabi ni Belarusian President Alexander Lukashenko na gaganti lamang ang kaniyang bansa kung mayroong paglusob na gagawin ang Ukraine.
Giit nito na mayroon silang nuclear weapons at ito ay hindi lamang sa panakot at sa halip ay kanilang gagamitin sakaling mayroong lumusob sa kanilang bansa.
Magugunitang inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin ang paglalagay ng mga tactical nuclear weapons sa Belarus at napili nila ang nasabing bansa na paglalagyan ng kanilang mga armas.
Nanindigan pa ang si Lukashenko na hindi ito makikialam sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.










