-- Advertisements --

Pinahiya ng San Miguel Beermen ang Rain Or Shine 113-105 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo si Diamond Stone na nagtala ng 42 points sa laro para makuha ng Beermen ang unang panalo sa laro na ginanap sa PhilSport Arena.

Nagtala rin ng 21 points at walong rebounds si June Mar Fajardo habang mayroong 13 points si CJ Perez.

Hawak pa ng Elasto Painters ang kalamangan 94-95 hanggang nakahabol ang Beermen at nabaligtad ang kalamangan 105-95.

Nasayang naman ang nagawang 20 points at 18 rebounds, siyam na assists si Steve Taylor habang mayroong 19 points si Rey Nambatac.