-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen matapos ilampaso ang Blackwater 123-93 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Kapwa nakapagtala ng tig 18 points sina Marcio Lassiter at CJ Perez habang mayroong 12 points si Jericho Cruz.

Nakuha kasi ng Beermen ang panalo sa twice-to-beat quarterfinals laban sa Bossings.

Susunod na makakahrap naman nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra.

Pinasalamatan ni Beermen coach Leo Austria ang kaniyang mga assistant coach dahil sila ang naggiya habang ito ay naka-isolate bunsod ng health protocols.