-- Advertisements --

Naging maganda ang simula ng San Miguel Beermen sa PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na magwagi ang Beermen laban sa Rain or Shine 109-97 sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Ipinakita ng Beermen ang pagiging Commissioner’s Cup Champion nila noong nakaraang Pebrero kung saan umabot pa sa 20 puntos ang lamang nila laban sa Painters.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Jericho Cruz na mayroong 20 points habang si June Mar Fajardo na galing lamang mula sa calf injury ay mayroong 15 points, 10 rebounds at dalawang blocks.

Nag-ambag naman ng 17 points si Marcio Lassiter habang mayroong 16 points, siyam na rebounds si Don Trollano.

Labis na ikinatuwa ni Beermen coach Jorge Gallent ang panalo nila dahil sa hindi nagpakita ng kapaguran ang kaniyang koponan mula sa pagiging kampeonato.