-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Terrafirma sa overtime game 109-108 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.

Dahil sa panalo ay solong hawak ng Beermen ang unang puwesto na mayroong siyam na panalo at isang talo.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo kung saan naipasok nito ang three-points sa natitirang 19.6 seconds ng overtime.

May tsansa pa sanang makahabol ang Terrafimra subalit hindi naipasok ni Javi Gomez ang kaniyang lay-up.

Nagtala si Fajardo ng 26 points, 10 rebounds at career high na nine assists.

Nanatiling wala pang talo ang Terrafirma sa siyam na laro nito.