-- Advertisements --
Nanatiling wala pang talo ang San Miguel Beermen sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.
Mayroon na silang tatlong panalo at wala pang talo matapos talunin ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots 87-81.
Bumida sa panalo si Mo Tautuaa na nagtala ng 19 points, limang rebounds at dalawang assists habang mayroong 14 points, anim na rebounds, dalawang assists at dalawang blocks si June Mar Fajardo.
Hawak pa ng Magnolia ang kalamangan 42-35 sa third quarter hanggang humabol ang Beermen sa pamamagitan ni Tautuaa na at naitala ng 12-5 run at nakuha ang unang kalamangan sa laro 50-47.
Mayroongisang panalo at tatlong talo naman ang Magnolia.










