-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang matinding depensa mula sa Meralco Bolts 113-108 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Umabot pa sa 25 points ang kalamangan ng Beermen subalit pagdating ng 13 segundo ng last quarter ay napababa ito ng Bolts 111-108 sa laro na ginanap sa PhilSport Arena sa lungsod ng Pasig.

Nagtala ng 32 points, 13 rebounds ang import nila na si Devon Scott habang mayroong 13 points si Marcio Lassiter at 12 points naman si Terrence Romeo.

Nasa pang-limang puwesto na ang Beermen na mayroong pitong panalo at limang talo habang ang Bolts ay mayroong apat na panalo at walong talo.

Makakaharap nila ang Converge FiberXers sa best-of-three series sa quarterfinals.