-- Advertisements --
Nakatiyak na ang San Miguel Beermen ng twice-to-beat quarterfinals advantage sa PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Blackwater Bossing sa score na 125-117 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng Beermen si Bennie Boatwright Jr. na nagtala ng 44 points, 12 rebounds at limang assists.
Mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang record ngayon ng Beermen.
Napalapit pa ng Bossings ang puntos 107-106 sa natitirang 6:27 sa last quarter subalit hindi pinabayaan ng Beermen ang laro na umarangkada ng 7-0 run.