-- Advertisements --
Nakaligtas ang San Miguel Beermen laban sa TerraFirma 113-110 sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng Beermen si Mo Tatua na nagtala ng 24 points, walong rebounds at apat na assists habang si CJ Perez ng best player of the game ay mayroong 25 points, anim na rebounds at limang assists at si June Mar Fajardo ay mayroong 20 points, 17 rebounds at anim na assists.
Nananatiling nasa unang puwesto ang Beermen na mayroon limang panalo at walang talo habang ang TerraFirma ay mayroong apat na panalo at apat na talo.
Sa simula ng laro ay hawak ng TerraFirma 19-7 at lamang pa sila 54-45 sa halftime.