-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 112-103 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig.
Sa first half ay hawak pa ng Converge ang kalamangan 50-43 kung saan mayroon pang 12 points ang lamang nila sa first quarter.
Pagpasok ng third quarter ay doon umarangkada ang Beermen sa pamamagitan ni CJ Perez.
Nagtala ng 25 points si Perez habang mayroong tig-19 points sina Marcio Lassiter at Don Trollano.
Nasayang naman ang naitalang 34 points ni Alec Stockton habang mayroong 18 points si Justine Arana at 14 points si Bryan Santos.