-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 111-92 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Naging bida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 15 points, 13 rebounds at 12 assists habang mayroong 18 points at 16 rebounds naman si June Mar Fajardo.

Nagtala rin ng double-double si Mo Tautuaa na mayroong 19 points at 10 rebounds habang mayroong 22 points si Jericho Cruz.

Dahil panalo ay tabla na ang Beermen sa standing ng Barangay Ginebra na mayroong apat na panalo at isang talo.