-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang Blackwater Bossings 105-86 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governor’s Cup sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.

Mula sa simula ay kontrolado ng Beermen ang laro.

Umabot pa sa 30 ang lamang nila 63-33 sa pagtatapos ng first half.

Dahil sa panalo ay mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang Beermen habang ang Bossings ay mayroong isang panalo at dalawang talo.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Jericho Cruz na mayroong 22 points habang mayroong 20 points at syam na rebounds si Cameron Clark at si June Mar Fajardo ay nakapagtala ng 17 points at 16 rebounds.

Hindi naman umubra ang ginawang 16 points ni Blackwater import Shawn Glover.