-- Advertisements --
Tinalo ng San Miguel Beermen ang TNT Tropang GIGA 98-93 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Bumida sa panalo ng Beermen si Ivan Aska na nagtala ng 25 points, siyam na rebounds, apat na assists at tatlong steels.
Ito na ang huling laro ni Azaka kung saan papalitan siya ni Bennie Boatwright.
Nakapag-ambag naman ng 20 points at pitong rebounds si CJ Perez habang mayroong 14 points si Terrence Romeo.
Mayroon ng limang panalo at tatlong talo ang Beermen habang ang TNT ay mayroong apat na panalo at apat na talo.