-- Advertisements --
Nakatiyak na sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup ang San Miguel Beermen.
Ito ay matapos talunin nila ang NLEX 120-106 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Cameron Clark na nagtala ng 45 points, 17 rebounds at tatlong assists.
Mayroon ng walong panalo at dalawang talo ang Beermen habang mayroong pitong panalo at apat na talo ang NLEX.
Nasa pang-apat na puwesto ang NLEX na parehas ang Meralco Bolts at Magnolia Hotshots.
Dahil sa talo na rin otomatikong mabibigyan ang Bolts ng natitirang twice-to-beat bonus.