Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra 102-99 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.
Hawak pa ng Beermen ang kalamangan ng 13 points hanggang maibaba ito ng Ginebra 100-97 sa natitirang 28 seconds.
Nakuha ni Scottie Thompson ang bola at naipasok ito kaya naibaba sa 100-99 ang kalamangan.
Subalit bumandera ang three-point shots ni Cameron Clark para maitala ang 102-99 sa huling walong segundo.
Sinubukan pa ni Nards Pinto na maagaw ang panalo para sa Ginebra subalit nabigo ito sa dalawang beses nitong pagtatangka.
Nagtala ng 35 points, 10 rebounds si Clark para makuha ng Beermen ang pitong panalo at isang talo.
Aminado si Beermen coach Jorge Gallent na ipinakita ng Ginebra ang pagiging delikado nilang koponan dahil nagawa pa nilang mahabol ang laban.