-- Advertisements --

Pumalo na sa 75 hanggang 80 percent ang hospital bed utilization rate sa East Avenue Medical Center (EAMC) ngayong araw.

Ayon kay EAMC Chief Dr. Alfonso Nuñez, papalo lang sa 40 hanggang 50 percent ang bed utilization rate sa kanilang ospital dalawang linggo ang nakalipas.

Pero tumaas na ito sa ngayon dahil sa bilang ng mga isinusugod na COVID-19 patients sa kanilang ospital.

Sa ngayon, sinabi ni Nuñez na ina-upgrade nila ang kanilang oxygen supply bago pa man magkaoon ng posibleng surge sa COVID-19 cases.

Bumili na aniya sila ng karagdagang oxygen tanks, at naglagay na rin ng secondary system bilang paghahanda.

Sa oras na ma-upgrade na ang kanilang sistema, sinabi ni Nuñez na maari silang magbigay ng oxygen sa mga kalapit nilang mga ospital.