-- Advertisements --

Nakatanggap ng pagkilala mula sa military si 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang natanggap nitong Military Merit Medal at naging honorary member ng Friends of Marine ng Philippine Marine Corps Foundation Inc.

Sinabi nito na patuloy siya sa pagsuporta sa mga military operations para mapagsilbihan ang mga mamamayang Filipino.

Bukod kasi sa pagiging beauty queen ay naging Navy Reservist siya at dating volleyball player.