-- Advertisements --

Nagwagi ng silver medal ang mens’ beach handball team ng bansa sa Southeast Asian Games.

Ito ay matapos na talunin sila ng Vietnam 2-1.

Unang nakuha ng bansa ang puntos hanggang nakabawi ang host country na Vietnam sa second period.

Makakaharap ng Vietnam ang Thailand para sa finals.

Itinuturing naman ng Men’s beach handball ng bansa na isa itong malaking improvements matapos na nagtapos lamang sila ng bronze medal sa unang pagsabak ng koponan noong 2019 SEA Games.