Hindi umano akalain ni Bea Alonzo na siya ang huling papasok sa married life, sa kanilang magkakaibigan.

Ayon sa ngayo’y 33-year-old actress, dati ay 28 ang kanyang ideal age na maikasal at magkaroon ng sariling mga tsikiting dahil sa pag-aakalang siya ay marrying type naman na babae.

Una nang inihayag ni Bea o Phylbert Angelli sa tunay na buhay, na iba pa rin kasi yaong may pang-habambuhay na katuwang sa buhay at katunayan ay boring life lang ang nais nito.

Bea with rumored new BF
Bea with Dominique

“Lahat sila about to get married, or they have their kids. ‘Pag-iniisip ko, I wouldn’t have guessed na ako ‘yung huling mababakante. I always thought that I am the marrying type,” may panghihinayang na sambit ni Alonzo sa kanyang video blog kasama ang minsang nakatambal na si Ian Veneracion.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Bea hinggil sa romantic relationship sa aktor na si Dominic Roque.

Kabilang pa sa mga na-link kay Bea ay sina Mico Palanca, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, at Gerald Anderson.