Reading Time: 1 minute

Wala pang pahayag ang kampo nina Bea Alonzo at John LLoyd Cruz hinggil sa mabilis na kumalat sa internet ng litrato ng dating mag-love team habang nasa El Nido, Palawan.

Ito ay para sa mga katanungan kung may kinalaman sa trabaho o personal ang dahilan ng pagkikita ng dalawa.

Bakas naman ang pagiging “game” nina Bea at Lloydie sa mga fans na nais magpa-picture kung saan mismong ang 31-year-old actress ang nag-post sa kanyang Facebook page.

Kapwa naka-casual wear ang dalawa kung saan naka-skirt at off-shoulder top si Alonzo, habang naka-shorts at buttoned-down shirt ang 35-year-old actor.

Kamakailan lang nang magpahiwatig na si Bea ng pagkasabik na maka-reunion si Cruz na kanyang katambal sa walong teleserye at 10 pelikula kabilang ang patok na “One More Chance.”

Kung maaalala, nawala sa “lime light” si John Lloyd matapos naging abala sa personal niyang buhay kasama ang celebrity girlfriend na si Ellen Adarna at kanilang baby boy na turning one year old na.