-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya ng Pilipina na namatay sa missile attack sa Haifa,Israel nuong April 5,2026 habang nasa loob siya ng kanilang tahanan kasama ang kanyang asawang Israeli at mga biyenan.

Agad namang inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya na ibigay ang lahat ng tulong sa pamilya ng nasawi. 

Nakikipag-ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv para sa mabilis na pagpapauwi  o repatriation ng kanyang labi sa kabila ng umiiral na mga travel restriction.

Sinabi ng Punong Ehekutibo, patuloy niyang binabantayan ang sitwasyon sa rehiyon at ang kaligtasan ng bawat Pilipino ang pangunahing prayoridad.

Ayon sa ulat, ito na ang ikalawang naitalang nasawing Pilipino mula nang sumiklab ang kaguluhan sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nananatiling naka-alerto ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa mga apektadong lugar sa Middle East.