Reading Time: 1 minute

Idinaan lang sa biro ni Binibining Pilipinas Grand International 2019 Samantha Ashley Lo ang panlalait ng Thai beauty queen kay 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Nabatid na makakalaban ng Cebuana beauty ang naturang kontrobersyal na pambato ng Thailand sa October 25 Miss Grand International coronation sa Venezuela.

Si Samantha ay hinirang na Binibining Pilipinas Grand International 2019 sa noong June 9 habang si Coco Arayha Suparurk naman ay kinoronahang Miss Grand Thailand 2019 sa Bangkok nito lamang July 13.

Ayon kay Samantha, hindi invited ang Miss Thailand sa magiging pizza bonding night nila ni Catriona.

Sagot ito ng Miss Philippines sa tinatawag na IG story kung saan may nagtanong sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa body-shaming ni Coco kay Catriona?

“She’s not invited to pizza night with Cat and I,” ani Samantha.

Una nang inihayag ni Suparurk na magso-sorry lamang siya sa Pinay Miss Universe kung kokomprontahin na siya nito.

“If Cat will message me directly, I would apologize,” ang kondisyon umano ni Coco.

Sa panig ng 25-year-old Fil-Australian beauty mula Bicol, iginiit nito na hindi dapat kunsintihin ang body-shaming o panlalait sa istura ng isang tao.

Ito’y sa pamamagitan ng game na QnA (question and answer) online activity ni Gray sa kanyang mga followers nitong weekend.

“Body-shaming is hurtful and should never be tolerated,” wika ni Gray.