-- Advertisements --

Panahon na na magkaroon ng long-term interventions para mapalakas ang katatagan ng Pilipinas laban sa iba pang mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic, ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo.

Sinabi ito ni Quimbo, na isa ring ekonomista, matapos na umakyat sa 4 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero 2021 base sa resulta ng latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Quimbo, panahon na para ipasa ang proposed P420-billion Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3) at Unemployment Insurance Bill para sapat ang proteksyon para sa mga manggagawang Pilipino.

Sa P420 billion na inilalaan sa Bayanihan 3, P108 billion ang para sa karagdagang social amelioration ng mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic, P100 billion para sa  capacity-building ng mga apektadong sektor, P52 billion para sa wage subsidies, P70 billion para sa capacity-building ng mga agricultural producers, P30 billion para sa internet allowance ng mga estudyante at guro, P30 billion bilang assistance sa mga displaced workers, P25 billion para sa Covid-19 treatment at vaccines, at P5 billion para sa rehabilitation ng mga lugar na apektado ng mga kalamidad kamakailan.

Sa ilalim naman ng Unemployment Insurance Bill ay magbibigyan ng sapat na social protection ang mga manggagawa dahil sa oras na sila ay matanggal sa trabaho maari silang mag-claim ng benefits mula sa programang ito.

Ayon kay Quimbo, kailangan maipasa na ang mga panukalang batas na ito bago pa man ang Holy Week break ng Kongreso oara na rin matulungan hindi lamang ang mga Pilipinong manggagawa kundi maging ang mga negosyong pinagtatrabahuhan ng mga ito.