Kinumpirma ni House Committee on Economic Affairs chairman Sharon Garin na hindi kasama sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang proposed Bayanihan 3.
Ang prayoridad kasi aniya ngayon ng LEDAC ay ang ibang economic bills tulad na lamang ng Foreign Investment Act, Retail Trade Liberalization Act, at Public Service Act.
Ang mga panukalang batas na ito kasi ay nabigyan na ng sertipikasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “urgent.”
Gayunman, ilinaw ni Garin na bukas pa rin naman hindi lamang ang Senado kundi ang Ehekutibo tungkol sa Bayanihan 3, na naglalaman ng P401-billion halaga ng “lifeline measures.”
Kagabi, inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang Bayanihan 3 sa pamamagigtan ng viva voce votes.