-- Advertisements --

Hindi sapat ang Bayanihan 2 para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa kaya kailangan ngayon na magkaroon ng isa pang economic stimulus package, ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda.

Ganito ka simple lamang aniya ang dahilan kung bakit mayroon ding clamor sa proposed P420-billion Bayanihan to Arise as One (Bayanihan 3)Act.

Sinabi ito ni Salceda matapos iginiit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi na kailangan apruabahan ang Bayanihan 3 dahil sasapat naman aniya ang pondong nakalaan sa 2021 General Appropriations Bill para masindihan ulit ang ekonomiya.

Ayon sa kongresista, ang P300-billion pondo na nakalaan para sa COVID-19 response sa ilalim ng 2021 national budget ay nabuoo noong ang kanilang expectations sa recovery ng ekonomiya ng bansa ay optimistic pa.

“We were told that credit stimulus could be leveraged 5 times. That did not happen. In fact credit growth shrunk,” ani Salceda.

Kaya naman sa tulong ng Bayanihan 3, naniniwala ang kongresista na malaki ang tsansa na makarating ang ekonomiya ng bansa 2019 levels ng output pagsapit ng 2022 o 2023.