-- Advertisements --

Asahan ang bawas singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre.

Ito ay matapos ianunsiyo ng largest power distributor sa bansa na Meralco na magkakaroon ng bawas sa buwanang singil ng kuryente na P9.8628 per kiloWatt hour ngayong buwan para sa residential consume.

Ito ay katumbas ng P15 na tapyas para sa typical household na kumokonsumo ng 200kWh.

Paliwanag ng Meralco na ang panibagong bawas sa singil sa kuryente dahil sa mandato ng Energy Regulatory Commission na pagbaba ng P0.0619 per kWh sa Feed-in-Tariff Allowance.

Gayundin, nagkaroon ng bawas na P0.0201 per kWh sa generation charges noong nakalipas na buwan dahil sa mababang cost mula sa supply contracts ng Meralco.