Asahan umano na magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang mga impormante mula sa oil industry, bababa ng mula P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng gasolina.

May P0.30 hanggang P0.40 din na posibleng tapyas sa kada litro ng diesel.

Habang sa kada litro ng kerosene, may bawas namang P0.15 hanggang P0.20.

Karaniwang ipinatutupad ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes.