-- Advertisements --
May ipinatupad na rollback simula ngayong araw sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Base sa report, nasa P0.40 ang ibinaba sa kada kilo ng LPG ng Petron, habang P0.22 sa auto-LPG.
Ang Solane, P0.36 ang naging bawas-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas.
Bunsod ito ng pagbaba ng international contract price ng LPG.
Nangyari ang bawas-presyo sa gitna ng price hike ng ilang oil products, bagay na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng pasahe.