-- Advertisements --

Inaprubahan ng mga mambabatas sa Spain ang pagbibigay ng paid medical leave sa mga kababaihan na mayroong buwanang dalaw o menstruation.

Ang nasabing batas ay nakakuha ng 185 na boto na pumabor habang mayroong 154 ang kumontra.

Ilan sa mga bansang nagpapatupad ng menstrual leave ay ang mga bansa ng Japan, Indonesia at Zambia.

Nakasaad sa batas na dapat aprubado ng isang doktor na hindi makayanan ng isang empleyadong babae na makapagtrabaho dahil sa nararanasang buwanang dalaw.