-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Southern Tagalog region ngayong Sabado.

Ayon sa Phivolcs, naitala ito kaninang alas-6:48 ng umaga.

Kung saan ang epicenter ay natukoy sa layong 12 km sa timog kanluran ng Calatagan, Batangas.

May lalim itong 135 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa naturang lindol.

Instrumental Intensities:
Intensity I – Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Plaridel, Bulacan