-- Advertisements --

Patay ang batang babae matapos tamaan sa ulo ng hailstorm sa Catalona, Spain.

May laking 10 centimeters sa diameters ang hailstorm na tumama sa 20-buwang batang babae.

Dinala pa sa Trueta hospital ang bata na naninirahan sa La Bisbal d’Emporda subalit hindi na nito nakayanan ang tinamong sugat.

Nasugat din sa kanilang iba’t-ibang bahagi ng katawan ang nasa 50 iba pang mga katao.