-- Advertisements --

Itinigil ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ganap na pagkumpleto sa Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV)line sa Bataan.

Ito ay matapos ang utos ng Korte Suprema na nagpapahinto sa nasabing proyekto.

Naglabas kasi ng temporary restraining order ang kataas-taasang hukuman laban sa construction sa isang bahagi ng Hermosa-San Jose 500kV Line (HSJ) na pag-aari ng Phirst Park Homes, Inc. (PPHI).

Ayon sa NGCP, matapos matanggap ang kautusan ay agad ipinatigil ang mga ginagawang aktibidad sa Towers 170-178 ng linya.

Na-energize na ito noong Mayo 27, 2023 para ma-accommodate sana ang power generation mula sa Bataan.

Gayunpaman, ang pagbabawal ng hukuman ay makakaapekto sa ganap na pagkumpleto ng power project.

Nabatid na mayroon itong transfer capacity na 2,000MW, isang quarter na lamang ng buong 8,000MW na kapasidad ng Lines 1 at 2 ang hindi magawa dahil sa TRO.

Paulit-ulit nang nakikipag-ugnayan ang NGCP sa nasabing kompaniya para maayos ang isyu at maipagpatuloy ang proyekto.