Wala pang balak na magretiro si Filipino billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes.

Sinabi nito na kahit matanda na ito ay handa pa rin itong tumulong sa bansa at turuan ang mga kabataan na may potensiyal sa nasabing sport.

Tiniyak nito ang pagbibigay ng serbisyo sa mga baguhang billiard players bilang head coach ng national training pool at deputy coach ng isa ring billiard star na si Francisco ‘Djanggo’ Bustamante.

Isinagawa ng 65-anyos na billiard star player ang anunsiyo matapos na gawaran ito ng lifetime achievement awards ng Philippine Sportswriter Association.