-- Advertisements --

LA UNION – Labis ang kasiyahan ng mga magulang ng bata na unang ipinagbigay alam sa Bombo Radyo La Union na ito ay nawawala.

Sa muling pagpunta sa broadcast center ng Bombo Radyo La Union ng mag-asawang Lilibeth at Judie Pitaca, Sr. ng Barangay Baracbac Oeste, sa bayan ng Balaoan, nagpasalamat ang mga ito dahil natagpuan na ang kanilang anak sa Quezon City.

Una rito, naglayas umano ang batang si Judie Jr., dahil sa pambu-bully na ginagawa sa kanya sa Sinapangan National High School sa nabanggit na bayan.

Kahit pa ilang ulit itong sinuyo na umuwi ay tinanggihan niya ito ngunit ipinangako naman sa mga magulang na hindi na ito mauulit.

Nito pang Miyerkules nang mapabalitang hindi na umuwi ang bata sa kanilang bahay.