-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng legendary singer na si Barry Manilow kung bakit hindi niya tinalakay ang kaniyang kasarian.
Sinabi nito na kapag ibinunyag niya na mayroon itong pusong babae ay matatapos na ang kaniyang singing career.
Taong 2017 ng isinapubliko niya na siya ay bakla ng mag-guest ito sa isang talk show.
Sinabi nito na walang masama ang pagiging gay subalit kapag ito ay naibunyag noong 1970 ay malamang wala na itong career.
Ang Brooklyn-born singer ay karelasyon nito ang kaniyang manager na si Garry Kief sa loob ng 39 na taon.
Taong 2014 ng ikinasal sila sa isang pribadong seremonya.
Hindi naman nito akalain na maluwag palang tinanggap ng kaniyang fans ang paglabas niya ng katotohanan.