Bakas ang kaligayahan ni Baron Geisler kasabay ng anunsyo na nagdadalang-tao na ang kanyang napang-asawa.

Sa Facebook post ng 37-year-old actor, sa February 2020 nakatakdang ipanganak ang first baby nila ng misis.

“Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!” dagdag ni Geisler.

Umapela rin ito ng dasal sa kanyang fans para sa ligtas ng pagbubuntis ng misis hanggang sa isilang si baby Talitha Cumi.

Noong nakaraang buwan nang ikasal si Baron sa noo’y one year girlfriend niyang si Jamie Marie Evangelista na sinasabing isang psychologist.

Matatandaang madalas masangkot sa kontrobersya si Baron kasabay ng pagiging labas-masok sa rehab center dahil umano sa pagiging alcoholic.

Ilan din sa mga aktres na nag-akusa noon ng pambabastos laban kay Baron ay sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete, at Cherrie Pie Picache.