-- Advertisements --
image 516

Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng ilang adjustments sa work schedule ng mga opisyal at empleyado nito para sa darating na obserbasyon ng Ramadan.

Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular ng Office of the Chief Minister na nagpapatupa ng flexible working hours sa rehiyon mula 7:30AM hanggang 3:30PM na nagpapahintuloy na makapag-fasting ang mga empleyado sa kasagsagan ng Ramadhan.

Bukas, Marso 23, 2023, ika-siyam na buwan ng Islamic calendar, ang pagsisimula ng obserbasyon ng Ramadan para sa mga kapatid nating Muslim sa buong mundo kung kailan isasagawa ng mga ito ang isang buwang fasting, pananalangin, at pagninilaynilay.

Samantala, nakatakda namang magbalik sa normal ang regular working schedule sa rehiyon na mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon pagkatapos ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.