-- Advertisements --

us5

Dumating sa bansa ang US warship na Independence-variant littoral combat ship na USS Charleston – LCS 18.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang commissioned US Navy warship sa Pilipinas mula noong 2019.

Ayon sa pahayag ng US Embassy, highlights sa pagbisita ng nasabing US warship ay ang malakas na alyansa ng dalawang bansa, pinalakas na military relationship at ang renewed engagements sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Dahil nasa pandemic pa rin ang bansa at konsiderasyon para sa COVID-19 safety mitigation, ang pagbisita ng warship ay contactless, ibig sabihin ang mga crew nito ay mananatili lamang sa loob ng barko habang nagsasagawa ng replenishment ng kanilang mga supplies.

Ang pagbisita ng USS Charleston sa Pilipinas, ay ilang linggo matapos nagtungo din sa bansa si US Secretary of Defense Lloyd Austin at inanunsiyo na tuloy pa rin ang US-Philippines Visiting Forces Agreement (VFA), kung saan pinapayagan ang US forces na mag-operate sa Pilipinas para sa isang bilateral military engagements bilang tugon sa disasters or crisis.

us6

Una nang inihayag ni Sec. Austin na ang security commitment ng US sa Pilipinas ay maituturing na iron-clad kasama na dito ang kanilang commitment sa West Philippine Sea.

Ang pagbisita ng USS Charleston sa bansa ay isang routinary port visit at patunay na lalong lumalakas daw ang relasyon ng dalawang bansa.

Nasa 300 bilateral engagements ang sinasalihan ng US sa loob ng isang taon kabilang dito ang taunang Balikatan, Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT), Maritime Training Activity (MTA) Sama Sama at iba pa.

us4

Ayon kay US 7th Fleet Commander Vice Admirak Karl Thomas, ang presensiya ng US Navy ships sa bansa ay para itaguyod ang security and stability para sa mga bansa na nasa Indo-Pacific region.

Dagdag pa ni Thomas, lubos silang nagpapasalamat at na-appreciate ang flexibility sa ginawang pag-resupply ng kanilang barko sa Pilipinas.

Ang USS Charleston ay nasa rotational deployment mula sa San Diego, sa ilalim ng Destroyer Squadron (DESRON) 7, supporting Commander, Task Force (CTF) 76/Expeditionary Strike Group 7.