-- Advertisements --

Hindi tumitigil ang Philippine Navy sa pagsasagawa ng patrulya sa karagatan na sakop ng Pilipinas.

Kahapon dumating sa lalawigan ng Batanes ang barko ng Philippine Navy ang BRP Tarlac LD601 upang magdala ng suplay at iba pang kagamitan para sa mga sundalo ng Philippine Marines na naka-deploy sa ibat-ibang isla ng Batanes.

Ayon kay 1Lt. Jeffrey Neyney ng Marine Battalion Landing Team-10 nasa Batanes ang barko ng navy upang maghatid ng mga suplay.

Unang nagtungo ang barko sa Calayan Island upang maghatid ng suplay na fuel na siyang hiniling ng kanilang lokal na pamahalaan.

Kasabay ng pagtungo sa Northern Luzon ng barko ay ang pagpapatrolya sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Ang pagtungo ng naturang barko sa katubigan ng lalawigan ay makakatulong upang mabawasan ang pagtungo ng mga dayuhang illegal poachers sa katubigang sakop ng Batanes.