-- Advertisements --
Tinamaan ng Houthi ballistic missiles ang barko na pag-aari ng US.
Ayon sa US Central Command, na nagtamo ng mga damyos ang M/V Gibraltar Eagle, na isang Marshal Islands-flagged bulk carrier na pag-aari at inooperate ng US-based Eagle Bulk.
Nangyari umano ang insidente sa 95 nautical miles ng southeast ng Aden.
Una ng nagtangka ang mga Houthi na maglunsad ng anti-ship balistic missiles pero sila ay nabigo at bumagsak na lamang ito sa Yemen.