LAOAG CITY – Haharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Posession of Firearms at Obstruction of justice ang mag-live in partner sa Barangay San Isidro sa bayan ng Pasuquin.
Nakilala ang mga ito na sina Cedrick Planta y Merciales, 29 –anyos at si Cherillyn Tabrilla y Pinacate, residente sa naturang barangay.
Ayon kay PMaj. Vencioly Luzano, ang hepe ng PNP-Pasuquin, nakasaad sa search warrant na ang hahanapin sa bahay ng maglive-in partner ay caliber 38 na baril.
Ganunpaman, sinabi nito na bago mag-umpisa ang operasyon, pumasok si Pinacate sa loob ng bahay at matagal bago lumabas sa likod na kanilang pamamahay.
Inihayag nito na nakita ng mga kasamahan niyang nakabantay, 30 na metro ang layo sa bahay, na may inihagis si Pinacate.
Matapos hanapin kung ano ang inihagis ni PIcanate, napag-alaman nila na ito ang caliber 38 na baril na nakasaad sa search warrant.
Samantala, sinabi nito na inamin ni Planta na may baril ito at hindi pumalag sa isinagawang operasyon.
Nabatid na si Planta ay mayroon ng dating kaso tulad ng pagnanakaw at carnapping.