LAOAG CITY – Tagumpay ang ikinasang search warrant operation ng mga otoridad dagil sa paglabag ng Republic Act (RA) 10591 o Illegal Possession Of Firearms And Ammunitions sa Barangay Naguirangan, lungsod ng Batac.
Ito ay kahit na wala ang subject ng operasyon na si Keizer Ed Abon y Maligsay, walang asawa at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Police Lt. William Sotelo, Deputy chief of police ng lungsok ng Batac na nakasaad sa search warrant operation na hahanapin ng mga otoridad sa bahay ng subject ang isang Caliber 9mm pistol, iba’t-ibang klase ng bala at isang revolver 38 na baril.
Sinabi ni Sotelo na narekobre sa kwarto ng subject ng operasyon ang isang caliber 38 na baril at tatlong bala na naipaloob sa isnag itim na pouch bag at nasa ilalim ng higaan.
Ipinalaam ni Sotelo na ang aplikasyon ng search warrant sa korte ay naisagawa matapos makatanggap ng report hinggil sa pagpapaputok ng baril ng subject tuwing naksa impluwensya ng alak.
Kaugnay nito, ang nasabing operasyon ay naisagawa sa tulong ng mga kasapi ng Department of Justice (DOJ), barangay officials at kasapi ng media.