Binigyan ng kakaibang regalo ng beteranong singer Barabara Streisand ang anak ng napatay na black American George Floyd.

Ibinahagi ng 6-anyos na si Gianna Floyd sa kaniyang personal IG account ang ibinigay na Disney stock certificate.

Hindi naman malinaw kung magkano ang halaga ng ibinigay nitong stock.

Magugunitang isa lamang ang singer na nagbigay ng tulong dahil sinagot ni Kanye college fund nito sa Texas Southern University sa Houston.

Pumalo na rin sa mahigit $2 million ang nalikom na pera sa GoFundMe page para kay Gianna Floyd.

Nauna rito nagdulot ng malawakang kilos protesta matapos na mapatay si Floyd habang nasa kamay ng kapulisan ng Minneapolis.