Nabulabog ang mga residente ng barangay Parara Sur sa Tigbauan, Iloilo matapos isang king cobra ang nahuli ng mga kasapi ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)- Tigbauan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Alex Tientia, Wildlife Enforcement Officer ng MENRO- Tigbauan, sinabi nito na pumasok ang nasabing ahas sa bahay ng pamilya Genzola at sa mabuting- palad, wala itong natuklaw na myembro ng pamilya.
Ayon kay Tientia, mismo ang may-ari ng bahay ang nakahuli sa cobra matapos na nakita nila ito sa kanilang sala.
Palaisipian naman kung saan nangggaling ang cobra dahil .
Posible ayon kay Tientia na may nag-aalaga ng nasabing ahas at maaring nakawala ito sa kulungan.
Magsasagawa naman ng surveillance sa area sa posibilidad na may iba pang king cobra sa lugar.
Napag-alaman na wala pang narecord na king cobra sa Western Visayas dahil mas komon ito sa Northern Philippine partikular sa Luzon, Mindoro,
Masbate, Marinduque, at Catanduanes.