-- Advertisements --
Abot-kamay na ng Barangay Ginebra ang kampeonato matapos talunin ang Bay Area Dragons 101-91 para makuha ang 3-2 na kalamangan sa best-of-seven Finasl ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na nagtala ng 37 points, walong rebounds, tatlong steals at apat na blocks.
Nag-ambag naman ng 20 points si Stanley Pringle habang mayroong 12 points si Japeth Aguilar.
Hindi naman nabigo ang 21,823 na fans na nanood ng laro sa SM MOA Arena.