-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan o rido ang posibling dahilan sa pamamaril patay sa isang opisyal ng Barangay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Datu Jalandoni Matalam Akas,Brgy Chairman ng Barangay Macabual Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa sa bahagi ng Barangay Nalapaan Pikit Cotabato ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Naisugod pa sa pagamutan si Kapitan Akas ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang nakaligtas ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Pikit Municipal Police Station (MPS) sa pamamaril patay kay Chairman Akas.