-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang barangay captainmatapos barilin sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Kapitan Guialudin Mamalinta ng Brgy Pandag sa Pandag Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba, lumabas ang biktima sa Barangay Hall dahil may naghahanap umano sa kanya nang biglang barilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay kay Kapitan Mamalinta na patuloy nilang iniimbestigahan.