VIGAN CITY – Patay ang isang barangay kapitan ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bangued Abra.
Nakilala ang biktima na si Brgy. Capt. Ronnie Bermudez Bringas, 45-anyos a resident ng Brgy. Angad, Bangued, Abra.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nasa covered court umano si Bringas para sa basketball tournament ng pagbabarilin ito ng isang lalake nanakasuot ng itim na jacket, item na sumbrero at itim na tube mask.
Sinubukang tumakas ng suspek gamit ang kanyang Rusi Delta 125 motorcycle ngunit naaksidente at napilitang tumakbo papalayo sa crime scene.
Kung maaalala isang video noong April 19 ang kumalat sa social media kung saan inaakusahan ang nasabing opisyal ng vote buying sa mismong tahanan nito.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa opisyal ng barangay.